Demelane

Abot Langit Na Kasiyahan

Posted on: July 2, 2009

Sa wakas! Nakapasok na rin ako sa site na ito.

Di ko mapailawanag ang saya na aking naramdaman ng aking binuksan ang aking email add at nakita ang mensahe na galing sa site na ito. Ito’y naglalaman na ang aking blog ay pwede ng simulan. Kaya naman dalidali kung sinunod ang direksyon na sinabi ng mensaheng yaon. Kaya nga naman talagang abot langit ang aking kasiyahang nadama. Salamat sa Mahal na Panginoon!

Kahapon lamang ay inis na inis ako, naiirita at naghihimagsik ang aking puso sa galit na aking nadama. Eh naku naman kasi ilang ulit ko ng sinubukan na mag sign up sa site na ito eh wala pa ring mensaheng dumating sa email ko. Ginawa ko ng lahat. Naggawa ako ng bagong email. Paulit ulit akong gumawa. Mga tatlong beses ata yaon pero wala pa rin. Talagang ako ay naiinis. Di ko maipaliwanag ang aking naramdaman kahapon. Parang pasan ko ang daigdig. Maluhaluha na ako sa inis na aking nadama. Nasabi ko tuloy sa aking sarili na malas ang araw na yaon sa akin. Ewan ko kung bakit yaon nalang ang aking naramdaman siguro iyo’y dala na rin ng mga bagay bagay na aking iinisip, sa mga emosyong aking nadarama at sa mga proyektong aming gagawin sa mga susunod na araw. Talagang napakahirap ng buhay mag-aaral. Madaming iniisip at mga iisipin pa. Gayun pa man, sa kabila ng mga kahirapang ito ay naroon rin naman ang mga kasiyahan at kabi-kabilang tawanan kasama ang mga kaklase at kaibigan. Talaga nga namang walang katulad ang buhay ng isang mag-aaral. Di ko ito maipaliwang o mailarawan sa iisang salita lamang.

Kung kahapon ay naghihimagsik ang aking puso sa galit at inis na aking nadama, eh ngayon nama’y walang paglagyan ang tuwa at saya na aking tinatamasa. Kasisismula palang ng araw ay isang masayang balita at pangyayari ang naganap. Ito nga ay ang pagkapasok ko sa site na ito. Ako’y lubos na nasiyahan dahil sa talagang maipapahayag ko na ang aking mga dadamin, ideya, opinyon at karanasan sa aking buhay. Ito pala ang mararamdaman mo pag talagang maipapahayag mo ang mga nakatagong emosyon at damdamin na nasa kaibuturan ng iyong puso. Aaminin kong hindi mahilig sa pagsulat sa talaarawan o diary. Ako’y sumusulat lamang kung ito’y kinakailangan at lalo na pag pinasusulat kami ng aming guro. Siguro mula sa araw na ito ay talagang sisikapin kong magsulat ng mga karanasang aking naranasan, ito man ay kasiyasiya, katawatawa o purong kalungkutan lamang.

Mga kaibigan, kamag-aral at Bb. Baguio asahan ninyong aking ipapahayag ang mga nais kong ipahayag na galing sa aking puso at sa mga karanasang aking naranasan sa buhay.

2 Responses to "Abot Langit Na Kasiyahan"

waaahh.daghan nata pareha ug theme..kalingaw

Magandang araw Ms.! Ako’y lubos na nasiyahan sa pagkapasok ko sa site na ito. Lubos akong nagpapasalamat sa iyo sapagkat naibahagi mo sa akin at sa amin kung gaano kasaya magkaroon ng blog. May paglalabasan na ako ng aking damdamin at karanasan sa ngayon sa mga susunod na araw at yugto ng aking buhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Pages

July 2009
M T W T F S S
    Aug »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
%d bloggers like this: