Demelane

Liwanag sa Dilim

Posted on: July 2, 2009

Noong nakaraang linggo ay puno ng kadiliman ang aking naranasan. Di ko makita ang liwanag na siyang gumagabay sa akin. Tila baga ako’y nababalot ng lungkot, problema, masisidhing emosyon at dilim. Di ko maaninag ang liwanag sa mga panahong yaon. Di ko makita ang daan na siyang tinatahak ko.Ang daan na siyang sinusundan ko. Ang daan na siyang tatahakin ko patungo sa aking tagumpay at kasiyahan. Tila baga ako’y nakulong sa isang sulok o silid na walang ilaw at puro kadiliman lamang ang siyang namamayani. Hindi ko nakita ang aking sarili, tila ako’y nawawala at di na malaman ang daan pabalik.

Isang pangyayari ang siyang nagdala sa akin sa kadilimang kailanman ay di ko pa naranasan sa buong buhay ko. Ako ay biglang napunta sa ganoong sitwasyon na di ko man lang namamalayan. Di ko man lang naisip kung paano at bakit nga ba nagkaganoon. Tila ako’y nag-iisa lamang sa silid na walnag ilaw na nakasindi. “Nasaan ba ako?”, ito lamnag ang siyang natanong ko sa aking sarili. Ako mismo ay di nakasagot sa siyang tanong na aking nabitawan. Di ko alam kung ano at bakit ko naman sasagutin ang siyang tanong na yaon.

Sa tanang buhay ko ako ay nakasandal sa aking mga magulang. Syempre naman! Sila lang naman talaga ang nakakaintindi sa atin bilang kanilang mga anak. Sila ang siyang gumabay sa akin at patuloy pang gumagabay sa akin sa ngayon. Sila ang siyang naging sandalan ko sa lahat ng aking mga problema. Sila ay naging parte na aking kabiguan, kasiyahan at kalungkutan. Di ko lubos maisip kung ano ang aking gagawin kapag sila ay mawala sa aking tabi. Walang saysay ang buhay kapag wala sila. Sila ang siyang nagbibigay kulay sa aking mundo. Naging parte sila sa aking mga desisyon sa buhay. Wala akong ginawa kundi sundin lamang sila sapagkat sa aking pagkakaalamn lahat nang kanilang mga naiisin ay para rin naman sa aking pansariling kabutihan at wala ng iba. Wala silang inisip kundi ang siyang kapakanan ko lamang. Talagang napakahalaga nila sa akin.

Kaya nga naman sa kadilimang aking naransan at tanging sila lamang ang aking inisip. Paano ko ba masasabi sa kanila ang nangyari? Kailangan ko pa bang sabihin ang mga ito? Ni hindi ko talaga alam kung ano ang siyang dapat kung gawin. Ako’y naguguluhan sa panyayaring naganap. Sa tanang buhay ko di ko ninais na madungisan ang pinakaiingatang pangalan ng aking mga magulang. Di ko kayang gumawa ng kung ano na ikagagalit at ikasisira nila. Kaya nga naman ay di ko talaga alam ang gagawin. Di ko alam kung saan ako magsisimula saka-sakaling sabihin ko man sa kanila kung ano ang siyang bumabagabag sa aking puso’t isipan. Ako’y sadyang natakot sa nangyari. Kahit alam ko sa sarili ko na ako’y walang nagawang masama ay natakot pa rin ako. Ako’y di natakot para sa pansariling kapakanan ko lang kundi ako’y natakot para sa aking mga magulang. Sadyang ako’y natakot at naguguluhan. Kaya nga naman di ko talaga nasabi sa aking ina noong una.Talagang napakahirap ng aking dinadala. Para na akong mawawala sa aking sarili. Sasabog na talaga ang aking puso sa aking dinadala.

Kaya nga naman makalipas ang tatlong araw ay diko na napigilan ang aking sarili. Kinausap ko na ang aking ina at saka ko pinagtapat sa kanya kung ano ang siyang bumabagabag sa akin. Di ko alam ng mga panahong yaon kung ano ang siyang maging reaksyon ng aking ina. Kung siya ba ay magagalit o maiintindiahn niya ako. Umagos ang luha sa aking mga mata. di ko talaga mapigil-pigil ang siyang pag-agos ng mga ito. Sadyang umagos lang ito ng kusa at di ko ito mapahinto. Laking tuwa ko ng malaman kung di nagalit ang aking ina. Di niya ako hinusgahan. Ako’y talagang kanyang pinakinggan at pinagpasailta. Pinatawa niya ako, kasi nga naman eh iyak ako ng iyak ng mga panahong yaon. Napakaswerte ko sa aking ina kasi ako’y talagang kanyang naintindihan at siys’y lubusang naniniwala sa akin. Siya’y walang ginawa kundi pinagsabihan lng ako at niyakap. Ako’y lubos na nagpapasalamat sa aking ina at sa naging reaksyon niya.


Dilim na siyang bumalot sa akin ay bilang nawala at tila baga ito’y naglaho na lang bigla. Ang bigat na siyang aking naramdaman ay napalitan na ng kasiyahan. Talagang ang magulang ko ang siyang aking naging sandigan at magiging sandigan kailanman. Bigat ng loob ang naglaho na parang bula. Napalitan ng bagong pag-asa.

Sa kadiliman ding ito’y aking naaninag ang liwanag na kailanmay di ako iniwan. Liwanag na di ko namalayang di pala nawala at kailanma’y di mawawala at di ako iiwan. Itong liwanag na siyang nagpalakas ng aking loob upang problema ko’y aking malampasan at aking masolusyonan. Liwanag na siyang gumagabay sa akin upang daan ay siayng makita at masunda pa rin. Siya’y walang sawang nakikinig at nagmamasid sa akin. Ako’y Kanyang pinalakas sa kabila ng aking matinding kahinaan. Ako’y Kanyang tinawag sa kabila ng aking pagkabingi. Siya ang naging mata ko sa dilim na aking tinahak. Siya’y walang iba kundi ang siyang naglikha sa akin, Ang Mahal na Panginoon. Di siya nagduda sa aking lakas sa halip ng aking malaking paduda. Siya’y walang sawa na gumagabay sa akin. Sa kadiliman na aking naranasan tanging liwanag Niya ang naggabay sa akin. Walang sawa niyang inaabot ang kanyang kamay sabay sabing “Aking anak sasamahan kita at gagabayan kita, magtiwala ka lang.” Siya ang nagsilbing LIWANAG SA DILIM.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Pages

July 2009
M T W T F S S
    Aug »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
%d bloggers like this: