Demelane

“Pers Lab”

Posted on: July 9, 2009

“Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso!
Pag pinuso, nasa-isip, kaya’t hindi mo makuro.” Itong linyang ito ay hango sa tula ni Jose Corazon de Jesus na Pag-ibig. Ito ang isa sa linyang nagustuhan ko sa nasabing tula niya. Talaga nga namang napakamakulay ang pag-ibig. Minsan ay di mo ito maintindihan at di mo maipaliwanag ang iyong nararamdaman. Di makuhang ito’y maipahayag kung minsan. Ika nga pag ito’y iyong iniisip ay tiyak na ito’y maiguguhit at tatatak sa iyong puso. At kapag ito nama’y iyong pinuso ay tiyak ring ito’y di maalis alis sa iyong isipan.

Noong nakaraang araw ay nanood kami ng isang maikling pelikula sa aming asignaturang Filipino4. Ito’y isang kwento mula sa “Pahina”. Ito’y pinamagatang “Pers Lab” o Unang Pag-ibig. Ang pekulang iton ay hango sa tula ni Jose Corazon de Jesus na “Pag-ibig”. Sadyangg napakakulay ng kwento kaya nga lang sa huli ay nabitin ako. Di ako naging konteto sa kung ano ang naging kalabasan ng kwento.

Sa pelikulang ayon ay ipinahayag din kung ano ang mga sangkap ng tula na siyang nagbibigay kulay at ganda nito. Sadya nga naman napakahalaga ng mga sangkap na tio sa isang tula. ito yaong nagbibigay saya, tono at kagandahan sa isang akdang pampanitikan, ang Tula.

Sa tulang Pag-ibig ay inilarawan nito kung ano at paano mo ba mababatid o di kaya’y masasabing ikaw”y umiibig. Walang kasingkulay ang iyong mararamdaman kapag ika’y umiibig. Di mo ito maipaliwanag kung baga. Sadyang di mo ito makuro. Ikaw ay maaring masaktan o di kay naman ay ika’y masisiyahan. Talagang di mo mabatid ang magiging kahihinat-nan kapag ikaw’y umiibig. Napakahirap pala kapag di mo masabi sa taong iyong inibig na siya’y mahal mo. Napakahirap lalo na pa’t kaibigan mo pa ito. Di mo alam kung ano ang siyang iyong gagawin sa iyong naramandaman. Kung ito ba ay iyong itatago habang buhay o iyong sasabihin na pwede namang ikasira ng inyong relasyon bilang magkaibigan. Talaga nga namang napakahirap. Ngunit mahirap din ito kapag iyo lamang itatago at ibabaon sa kaibuturan ng iyong puso.

Sabi nga ng iba, ito’y masakit at mahirap ngunit ito’y nagdudulot din ng kasiyahan sa sarili.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Pages

July 2009
M T W T F S S
    Aug »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
%d bloggers like this: